Friday, July 18, 2008

Chapter 3: Ang paglaya.



"Ito ako ngayon sa dalampasigan ng mga ala-ala ng nakaraaan. " Nagsisimula na naman akong magsulat tungkol sa mga bagay-bagay na wala naman akong pinanghahawakan, inaalala ang mga bagay na sana, nagkatotoo. Di ko rin alam kung bakit nga ba ako nagsusulat ngayon na samantalang dapat ngayon ako'y gumagawa ng aking nararapat na asignatura. Pero bakit ba masyado akong nangangarap sa mga bagay na "dapat" o "sana" nangyari? Ito ba ay dahil gusto ko sila sanang mangyari at di ko na sila matitikman uli dahil ito nga, di sila nangyari, dahil mali sa oras, mali sa panahon, mali sa tao? Mga bagay na pwedeng impluwensyahan ngunit di mo lubusang mahawakan, na tanging mailalagay mong panangga-lang ay ang paghahanda o kung may kapangyarihan ka, tignan ang kinabukasan. Malaman ang dapat gawin sa mga ganitong bagay para makuha mo ang gusto mo. Magawa mo ang gusto mo tulad ng pagtulog, make-out, mangbabae/manglalake, magpayaman, etc. Pero sabi nga nila, "you make your own choices, your own fortune." Kung ganun nga naman kahit ano pa ang nangyayari, magagawa mo ang nararapat sayo di ba? Ewan ko lang kung bakit pero bakit nga ba ganun ang buhay? Parang marami kang pagpipilian ngunit dalawa lang talaga ang mayron, para bang may imahinasyon ng kalayaan ngunit ipit ka pa rin ng mga bagay-bagay na hindi mo mapanghawakan tulad ng yaman ng iyong magulang, itsura na ipinagkaloob sa'yo na hindi maipa-ayos hanggang di ka mayaman, pera mo sa bulsa pag may makita kang gusto mong bilhin, mga taong nagkakagusto sayo, mga taong gustong sumira sayo, o mga taong gusto mo na gusto ka rin. Yan ang mga tanong ko na hindi ko masagot na sa bawat paghiga ko sa aking kama tumitingnin ako sa kisame, nag-iisip, malaya nga ba talaga ako?
Pera. Di mo hawak kung pinanganak kang mahirap. O kaya di mo hawak ang pera na gusto mong hawakan lalo na sa pangangailangan na makikita mo sa mga taong lubos nag kayamanan na nilulustay lamang ang pera sa kapritsuhan, na kung nasa kamay mo ay maipangtutustos mo sa iyong pangangailangan mo. Hindi ko tuloy lubos na maisip na kung mahirap ka, malaya ka ba?
Pag-ibig. Yan siguro ang isa sa mga bagay na magandang pag-usapan na wala ka talagang pinanghahawakan, mas malala ay ikaw ang pinanghahawakan ng pag-ibig. Ikaw ang pinaiikot ng imahe na binuo ng iyong isipan dahil sa tuloy tuloy na pag-usad ng katas ng mga patche-patche karne na kahit ang pinaka-balasubas na pag-uugali ay masasabi mong maganda na gagawin mo ang lahat para sa taong wala namang paki-alam sayo kahit masagasaan ka ng 30 tangke at 400 kumakaripas na mga wildebeast. Nakakatawa di ba? Pero yon di ba ay isang parte ng katotohanan na kahit ang anong gawin mo para mahalin ka ng isang tao, na para sayo siya ang gusto mong gawing buhay, pero para sa kanya ikaw ay mas mababa pa sa basura? O kaya naman na kahit anong gawin mo isa ka lang sa mga taong di niya mapiling mahalin dahil pangit ka para sa kanya, mukha kang bozanian beast fighter, mahirap ka, di ka fratman, di ka payat o payat tiganan, pandak ka, at marami pang mga dahilan upang sabihin niyang ayaw ka niya. Nakakalungkot di ba? Pero ano ang pinanghahawakan mo sa kanya? Di mo rin maisip pero ano nga ba?
Ano ang pinaghahawakan mo sa mga bagay na ganito di ba? Hawak mo nga ba talaga ang kinabukasan? Malaya ka nga ba talaga? Malaya upang umusad patungo sa ikina-aaya mo? Sabo nila ang edukasyon at isang daan sa kalayaan, pero di ba unting porsyento lamang ng mahihirap ang nakaka kuha ng sapat na edulasyon? At minsan ang edukasyon mo ang nagiging kulungan mo pag hinayaan mo ito na ito na lang ang maging basihan ng buhay mo?
Ngayon ano nga ba kalayaan?
Ito ba ay makakamit mo kung mahirap ka, kung di ka edukado, kung ikaw inaalipusta, kung ikaw ay pinagbiyayaan ng pangit na itsura? Ikaw ba ay malaya? Magiging malaya ka nga ba? Di ko pa rin mahanap ang sagot kung ano ang pagiging malaya sa mundo kong kinagagalawan kung saan tayo ay tinatawag na malaya ngunit di naman talagang malaya. Na palagi tayong iniipit ng mga bagay na nilikha ng tao bilang pamantayan niya ng kanyang kagustuhan. Ngayon nga naman ano ang pagiging malaya?

No comments: