Friday, July 18, 2008
Chapter 3: Ang paglaya.
"Ito ako ngayon sa dalampasigan ng mga ala-ala ng nakaraaan. " Nagsisimula na naman akong magsulat tungkol sa mga bagay-bagay na wala naman akong pinanghahawakan, inaalala ang mga bagay na sana, nagkatotoo. Di ko rin alam kung bakit nga ba ako nagsusulat ngayon na samantalang dapat ngayon ako'y gumagawa ng aking nararapat na asignatura. Pero bakit ba masyado akong nangangarap sa mga bagay na "dapat" o "sana" nangyari? Ito ba ay dahil gusto ko sila sanang mangyari at di ko na sila matitikman uli dahil ito nga, di sila nangyari, dahil mali sa oras, mali sa panahon, mali sa tao? Mga bagay na pwedeng impluwensyahan ngunit di mo lubusang mahawakan, na tanging mailalagay mong panangga-lang ay ang paghahanda o kung may kapangyarihan ka, tignan ang kinabukasan. Malaman ang dapat gawin sa mga ganitong bagay para makuha mo ang gusto mo. Magawa mo ang gusto mo tulad ng pagtulog, make-out, mangbabae/manglalake, magpayaman, etc. Pero sabi nga nila, "you make your own choices, your own fortune." Kung ganun nga naman kahit ano pa ang nangyayari, magagawa mo ang nararapat sayo di ba? Ewan ko lang kung bakit pero bakit nga ba ganun ang buhay? Parang marami kang pagpipilian ngunit dalawa lang talaga ang mayron, para bang may imahinasyon ng kalayaan ngunit ipit ka pa rin ng mga bagay-bagay na hindi mo mapanghawakan tulad ng yaman ng iyong magulang, itsura na ipinagkaloob sa'yo na hindi maipa-ayos hanggang di ka mayaman, pera mo sa bulsa pag may makita kang gusto mong bilhin, mga taong nagkakagusto sayo, mga taong gustong sumira sayo, o mga taong gusto mo na gusto ka rin. Yan ang mga tanong ko na hindi ko masagot na sa bawat paghiga ko sa aking kama tumitingnin ako sa kisame, nag-iisip, malaya nga ba talaga ako?
Pera. Di mo hawak kung pinanganak kang mahirap. O kaya di mo hawak ang pera na gusto mong hawakan lalo na sa pangangailangan na makikita mo sa mga taong lubos nag kayamanan na nilulustay lamang ang pera sa kapritsuhan, na kung nasa kamay mo ay maipangtutustos mo sa iyong pangangailangan mo. Hindi ko tuloy lubos na maisip na kung mahirap ka, malaya ka ba?
Pag-ibig. Yan siguro ang isa sa mga bagay na magandang pag-usapan na wala ka talagang pinanghahawakan, mas malala ay ikaw ang pinanghahawakan ng pag-ibig. Ikaw ang pinaiikot ng imahe na binuo ng iyong isipan dahil sa tuloy tuloy na pag-usad ng katas ng mga patche-patche karne na kahit ang pinaka-balasubas na pag-uugali ay masasabi mong maganda na gagawin mo ang lahat para sa taong wala namang paki-alam sayo kahit masagasaan ka ng 30 tangke at 400 kumakaripas na mga wildebeast. Nakakatawa di ba? Pero yon di ba ay isang parte ng katotohanan na kahit ang anong gawin mo para mahalin ka ng isang tao, na para sayo siya ang gusto mong gawing buhay, pero para sa kanya ikaw ay mas mababa pa sa basura? O kaya naman na kahit anong gawin mo isa ka lang sa mga taong di niya mapiling mahalin dahil pangit ka para sa kanya, mukha kang bozanian beast fighter, mahirap ka, di ka fratman, di ka payat o payat tiganan, pandak ka, at marami pang mga dahilan upang sabihin niyang ayaw ka niya. Nakakalungkot di ba? Pero ano ang pinanghahawakan mo sa kanya? Di mo rin maisip pero ano nga ba?
Ano ang pinaghahawakan mo sa mga bagay na ganito di ba? Hawak mo nga ba talaga ang kinabukasan? Malaya ka nga ba talaga? Malaya upang umusad patungo sa ikina-aaya mo? Sabo nila ang edukasyon at isang daan sa kalayaan, pero di ba unting porsyento lamang ng mahihirap ang nakaka kuha ng sapat na edulasyon? At minsan ang edukasyon mo ang nagiging kulungan mo pag hinayaan mo ito na ito na lang ang maging basihan ng buhay mo?
Ngayon ano nga ba kalayaan?
Ito ba ay makakamit mo kung mahirap ka, kung di ka edukado, kung ikaw inaalipusta, kung ikaw ay pinagbiyayaan ng pangit na itsura? Ikaw ba ay malaya? Magiging malaya ka nga ba? Di ko pa rin mahanap ang sagot kung ano ang pagiging malaya sa mundo kong kinagagalawan kung saan tayo ay tinatawag na malaya ngunit di naman talagang malaya. Na palagi tayong iniipit ng mga bagay na nilikha ng tao bilang pamantayan niya ng kanyang kagustuhan. Ngayon nga naman ano ang pagiging malaya?
Short Stories Take Two: Ang Paglisan.
A part of the good bye phase in lb. The days, nights and failings (?).
~~~~~~~~~~~~~~
"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko!~"
Yan ang unang tining na nagpagising sa isipan ni Pablo, habang siya ay kumakain ng kanyang sopas mula sa kantina sa baba ng kanilang dormitoryo. Nag-iisip, nangungulila sa taong di man lang niya nakita na nagbigay o nagsukli ng pagmamahal at atensyon na ibinibigay niya. Wala siyang magawa dun, dahil ang pagmamahal ay hindi ipinipilit sa taong ayaw.
"Oi! Bong! Ang sopas mo ay lumalamig na! Kainin mo na yan! Baka tumulo lang ang laway mo sa sopas at lalong lumamig yan!" bati ng kanyang kaibigang si Ando na kasama niya din humihigop ng sopas at natatawa sa itsura ni Pablo habang nakabukas ang bibig nito at nakatitig sa malayo, nag-iisp, nangungulila.
Napatingin na lamang si Pablo sa sopas na parang nagulat at dahan-dahang sumubo nito. Natuloy ang kanyang pag-iisip habang humihigop ng sopas. Naalala niya ang mga tawaanan nila, ang mga oras na sila ay magkasama at --
"Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo, di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko~"
Napangiti na lamang siya dahil nangyari na nga yon sa kanya. Tatlong oras siyang naghihintay, paikot-ikot sa lugar na dapat sila ay magkikita upang mag-usap. Suot ang bagong t-shirt at mapormang damit niya na di man lamang napansin. Nung dumating ang kanyang hinihintay, wala itong sinabi kung hindi, tara na kape na tayo dun sa loob! Na may ngiti at di man lang nasabi na siya ay huli sa takdang oras. Natawa na lamang siya sa sarili at humigop ng sopas.
"PABLO, Titigan mo ako, alam kong gusto mo yang babaeng yan, pero marami pa dito sa Unibersidad ng ganyan, di mo kailangang magkulong sa dorm ng tatlong araw at magtrabaho ng proposal na hindi tapos mo naman gagawin. Wag kang magpalusot, para sa babae mo yan di ba? Tandaan mo ang thesis mo! "
"Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo~ wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko~!"
Nakonsensya si Pablo. Napabayaan niya na rin ata ang kanyang thesis ng ilang araw kakahanap ng materyales para sa proposal ng babaeng minamahal niya. Nagbuntong hininga na lamang siya.
"Ando, yung proposal ay nirerequire na ng DO sa amin. Ginagawa ko lang yun bilang parte ng manuscript ko." Subok niyang palusot sa kaibigan at pilit niyang pagsisinungaling sa sarili na tama ang kanyang ginagawa. Ngunit, alam niyang mali ang kanyang ginagawa, lumunok na lamang siya ng kanyang lumalamig na sopas at tumahimik.
"Pare, matanda ka na, alam mo ginagawa mo. Bahala ka na. Kung yan ang nagpapasaya sa iyo sige, susuportahan kita pero sinasabi ko sa iyo, WAG." At tumayo at naglakad na si Ando patungo sa labasan ng kantina. Nagbayad at umiling-iling na lamang siya.
At nagmuni-muni ulit si Pablo kung ano nga naman ang tama sa kanyang pinag-gagawa. Unting panahon pa lamang sila nagkakilala at alam naman niyang uunti ang kanyang pagsa sa isang babaeng tulad niya. Pero, alam rin niya sa sarili niya, na gusto niya ang babaeng yon kahit di niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya. Inubos na lamang niya ang kanyang lumamig na sopas at umalis.
"Ilang ahit pa ba ang aahitin ko, o giliw ko~!
Narinig na naman niya ang kanta mula sa kabilang kwarto. Napaisip siya, nagsisimula na naman siyang mag-ayos ng kanyang sarili, nag-aahit na siya ulit, nagsusuklay at nagtotoothbrush. Simula noong hiniwalayan siya ng kanyang nakaraang nobya, binaba niya ang prayoridad ng kanyang itsura at nagsikap na lamang siyang mag-aral at kumain. Nagbabago na siya, napangiti na lamang siya at nagbihis. Bago umalis sa kanyang kwarto papuntang klase, kinuha niya ang ginawa niyang proposal para sa babaeng minamahal niya, umaasa, na mapapansin na rin siya nito, na may pag asa sa kanyang tinatahak.
Dumating siya ng maaga sa tapat ng H01, kung saan magkaklase ang babaeng minamahal niya ng ENG 10. Naghihintay naiinip. Napaisip mangyayari ba na mamahalin siya nito?
"Paalam hon" Yan ang una niya narinig mula sa babaeng nakatalikod sa kanya na may kausap-usap na lalaking may dalang sasakyan. Unti unting nagusot ang kanyang papel na hawak noon, di malaman ang kanyang gagawin. Napa-upo na lamang siya sa upuan ng kabilang kwarto, ang H02 at nakinig.
"Sandali, nagawa mo na ba yung proposal mo?" Batid ng babaeng di niya kilala.
"Yun? May gumawa na nun para sa akin eh. Hihihi".
"Hahaha. Bahala ka, sino na naman yung niloko mong lalaki? Hahaha kawawa naman yun. Bobo."
"Pabayaan mo yun. Tanga siya eh, ASA naman siya sa akin, di kami talo at pangit yun"
Di na niya natiis ang mga nakakasirang mga salita na kanyang naririnig, tuluyan na niyang ginusot, pinunit ang ginawa niya. Napaluha na lamang siya dahil napansin niyang maganda pala ang pagkakagawa ng proposal na ginawa niya para sa iba. Naghintay na lamang siya sa silid na iyon, naki seat in sa klase ng ENG 1 na matagal na niyang nakuha at umalis agad pagkatapos nito.
"Nais kong magpakasabog, dahil olats ako~!
Kahit ano hihiihitin, kahit tambutso~!"
Humihigop ng sopas si Pablo, nag-iisa sa tapat ng kantina ng kanilang dormitoryo, nakatulala sa salamin na parang may pinagmamasdan sa malayo.
"Pablo! Di ka ba napapaso? Umaaso-aso pa yang sopas mo!"
"HUh?! Mainit ba? Di ko malasahan eh"
"Lahat ay aking gagawin upang hindi ko na isipin na nag-iisa na ako-oh~!"

Existential Crisis Day 12: Nearing Graduation. A Restart and view in freedom
This is actually a delayed post. E-edit ko pa para directly after siya ng existential crisis: LB
~~~~~~~~~~~~
"Hanggang napagod tayong umikot kung saan saan na rin pala tayong umabot. Ang gusto lang natin malaman mayroon pa ba tayong ibang mapupuntahan~"
Pasyal - Sugarfree
At ito ako ngayon, existential crisis day 12, nag-iisip kung saan pupunta, saang ibayo ang magbubukas ng kanyang pantalan o laot ng buhay kung saan pwede tayong dumako at pumunta upang umusad o magpahinga. Naisip ko tuloy ang mga adventures and misadventures ko sa Los Banos, ang mga kasawian, unting pagwawagi sa laban at ang pagtatapos ng digmaan sa unibersidad na alam ko sa loob ko, di lubos ang aking pagkapanalo at tanging nabuhay lamang ako, ika nga nagsurvive lang. At kung pamilyar kayo sa kanta na Pasyal ng Sugarfree, mapapansin niyo ang dulo ng kanta, walang patutunguhan, tapos, wala ng next episode. Parang sa lahat ng paghihirap mo, ipit ka pa rin sa buhay mo. Walang nagbago, hindi ka umusad at hindi mo nakamit ang kalayaan mong inaasam. Di ko alam pero, habang sa panahon na malapit na ang pagtatapos, nararamdaman kong dahan dahang kong inuukit ang magigi kong landas na hindi ko na matatakasan, na parang ako mismo ang gumagawa ng aking magiging kulungan. Nakakatawang isipin di ba? Binuhos mo ang apat na taon at kung sa lagay ko, magbubuhos ka ulit ng 5 hanggang 10 taon ng oras mo upang maging malaya ka. Malaya sa kahirapan, sa puder ng magulang, sa maraming mga bagay na bumabagabag sa iyo. Pero ngayon ko lamang napansin, hindi ako magiging tunay na malaya. Siguradong maiipit din ako sa aking buhay na gagawin. At ang ilang bahagi ng akong sarili ay maglalaho at tanging magiging alaala na lamang. Guni-guni na sigurado din akong malilimutan ng mga tao sa aking paligid at ang tanging babakat na lamang sa kanilang isipan ay ang "ako" na nagbago. Siguro, may ilang taong makakapansin ng aking pagbabago ngunit huli na para ako ay sunduin at magbago sa ginawa kong landas na siyang papatay sa akin at hindi na ako mababalik ng mga taong makakapansin ng aking pagbabago. Pero sabi nga nila ang kamatayan ay isang pagbabago, isa lamang mukha ng isang barya at ang kabila noon ay ang pagkabuhay, na isa ring pagbabago. Pero, sapat ba ang magiging pagbabago? Di ko rin alam dahil simula noong day one ng existential crisis ko, andoon na ako sa gitna ng barya. Tinitignan ang buhay ko sa iba't ibang punto, ang pagkamatay at muling pagbuhay ng panibagong "ako", pero di tulad ng dati na kahit pa paano nalalaman ko o nakikita ko ang magiging resulta, hindi ko makita ang pagkabuhay. Di ko maaninag ang magiging kinabukasan. Naisip ko tuloy, kung alam kaya ni Lucifer na ang kanyang paghihimagsik ay magbubunga lang sa pagkatalo, na ang kanyang paghangad ng kalayaan mula sa Lumikha ay mababale wala itutuloy niya pa kaya ang digmaan? Kung nalaman niya na di siya magiging malaya sa lumikha dahil naging anino lamang siya nito at nasa ilalim pa rin siya ng kapangyarihan ng Lumikha papayag pa kaya siyang maging panginoon ng impyerno? Di ko rin alam, dahil di rin nga naman ako si Lucifer pero ako kaya, papayag ba akong makulong sa magiging bagong ako? Kung nakita niya ang kabilang mukha ng barya, mula sa liwanag patungo sa kadiliman magbabago pa kaya siya? Naisip ko din, masyado ba akong nabubulag sa liwanag sa aking paligid na hindi ko makita ang kadiliman kong pupuntahan? Di ko rin talaga alam.
Ngayong andito na ako sa pagtalon patungo sa di kasiguraduhan, naiisip ko, ano ang mamatay sa aking sarili upang mabuo ang susunod na ako? Anong lumang parte ng aking pagkatao ang magiging sakripisyo upang umusad ako patungo sa kalayaan o sa lalong pagkabilanggo ng aking mga desisyon sa buhay? Sana malaman ko, dahil siguro it na yung punto ng buhay ko na sigurado ako ay magbabago, ngunit di ko alam kung saang pagbabago ako pupunta. Gagawa ba akong paraan upang malaman at ihinto ang pagbabago o hayaan na lamang ito na baguhin ako ngunit dahan-dahan pa ring lumaban upang di mawala ang sarili ko sa pagbabago. Na manatili sa akin ang mga bagay na pinapahalagahan ko? Di ko pa rin alam. Pero sana.
Sana kung ano man ang pagbabago na magaganap, manatili pa rin akong "ako". Ako na siyang kilala ko at kilala ng mga tao sa aking paligid. Na kung ano man ang mangyari, tutulungan nila akong maging ako pa rin ako. Na sana, ang tatahakin ko ay magbibigay na kalayaan at hindi ang pagputol ng aking mga pakpak upang lumipad ng malaya.
~~~~~~~~~~~~~~
Coming up next. MED LIFE. COMING AND GOINGS. The ethereal smell of lemon and formalin.

Subscribe to:
Posts (Atom)