Tuwing naalala ko ang mga paglabas natin, sa pagitan ng usok ng yosi, napaisip ako kung may pwede bang mangyari, na may posibilidad bang magkatotoo ang unting pangarap na makapiling ka di lang bilang kaibigan ngunit mas higit pa. Lumipas ang mga araw nakapagtapos na ko, nakatungtong sa isang lugar na mag-uusad sa aking pangarap. (Nyak alam kong nagiging korni na!). Pero andun pa rin ako naghihintay, tumutulong, nagpaparamdam.
Nung nagsimula nag sembreak may sinabi ka sa akin na nagpabago ng buhay ko. Nung una, di ko matanggap o sadyang kasama yun s amga joke time natin pero, sinabi mo sa akin seryoso yun. Napa isip ako ng matagal... Nasabi mo ba yun dahil mahal mo nga ba ako bilang kaibigan? BIlang brad? O bilang taong nagmamahal nga sayo? Kasi minsan, nasasaktan ako kung napapansin ko na palagi ka lang nalapit kung may kailangan ka sa acads mo, at dahil ganun nga kadalasan, di ko maiwasang maramdaman na ginagamit mo ko. Nakakalungkot yun isipin, pero kapag na-aalala ko yung mga gabing as lb pa tayo, ang tawanan, ang lakaran ang kape, ang usok ng yosi, naiisip ko ngang totoo yung mga sinabi mo. Na kahit minsan mo lang sagutin ang text ko (call person ka nga pala) o yung mga messages ko, siguro dahil medyo parehas tayo, masyado natin pinapahalagan ang sarili nating kalayaan. Nakakatuwa na may taong halos parehas ko na gutsong maging malaya ngunit minsan nakakalito kung ano ba talaga ang mayroon sa atin. May mga ilang bese na gusto ko tong gawin to:
pero dahil malaki respeto ko sayo hanggang patawa na lang ako at gantito :
Pero kahit ano man ang mangyari, handa na akong magbyahe ng 80 KM at ng 4 na oras para bumalik sa piling mo at malaman kung ano nga ba ako sa buhay mo. Mahal kita sigurado ako dun, mahal kita kung sino ka, at kung ano mayroon sa loob mo. Handa akong bumagal sa pag-usad ko para isama ang mga pangarap mo, para maging pangarap ko rin ang mga ito. Alam kong sobrang cheesy na ang mga sinasabi ko pero matatapos na ang sembreak, at magiging busy na ulit tayo. At baka sa bilis ng aking mundo hindi ko na ito masabi. Kaya sasabihin kong mahal kita. Kahit ano man ako sa buhay mo, mahal nga kita. Kaya kung ano man, tuloy pa rin ako sa aking buhay kahit ano man ang tingin mo sa akin, gamit na pwede lang iwanan, kaibigan, o brad lang. Ang importante ay mahal kita pero di habang buhay bukas ang pinto dahil nagsasara rin ito. Kaya hinihintay ko ang sagot mo.
PS Mas mabango nga ang red kaysa lights. Ingat ka
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ayan tapos na ang essay/ composition ko for someone this sembreak. Hahaha Godspeed sa UERM med class 2012!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment