Friday, March 7, 2008

A little short story

This was supposed to be posted weeks ago after being inspired by a series of events that lead to my eventual, hmm lets say resolve in my upcoming career, medicine. Hahaha. Anyways this is only another part of an incoming set of short stories so enjoy!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter <> Sa likod ng Usok ng yosi


Kulay abo na naman ang kalangitan, nagbabadya ng ulan sa lupain. At habang naglalakad patungo sa pintong bakal na hirap pasukin ng liwanag, dumampot ng payong si Renato. Handa na siyang pumasok sa kolehiyo sa Los Banos, patungo sa mundo ng walang pakialam sa mga tao. Dinadaanan niya ang mga linya ng luma at pangit na gusali na tinitirahan ng mga studyante at mga taong nagtratrabaho sa kolehiyo, ibang iba ang kanilang mga itsura sa mga taong nakikita niya na pumapasok na nakasasakyan at magagarang pananamit. Ito yung mga lumang studyante na hinhintay na lamang magtapos sa kolehiyo. Patapos na rin siya, naghihintay sa mga bagay na siya rin ang nagtanim at aani. Ngunit katulad ngayong darating na gabi, kahit anong inilaan niya, hindi niya lubos na mapapanghawakan at bagay na ito, hindi niya masasabing ng may kompyansa na ito ang mangyayari. Pagabi na at kulay abo pa rin ang kalangitan, tapos na ang klase ni Renato.Hawak pa rin niya ang payong na hanggang ngayon ay hindi niya nagagamit, kulay pula at kita ang mga marka ng paggamit, kinakabahan siya sa mangyayari ngayong gabi. Umuwi muna sa bahay, naligo nagpalit at naghihintay ng oras na kung kailan sila magkikita. Tinitignan ang pag-flash at pag-iba ng oras sa kanyang telepono, hinihintay ang pag-dating ng ala-siyete. Lumabas siya sa kanilang bahay, tumingin sa kalangitan at wala siyang nakitang bituin, nag-aalangan, bumalik siya sa kanilang bahay at kunuha at kanyang payong na pula. Lumabas siya patungo sa F.O. Santos, patungo sa L.B. square, sa isang kapihan. Sa gitna ng usok ng sigarilyo, nakita niya si Baba, naghihintay, nag-sisigarilyo. Nagsabi si Renato "Patawad, may tinatapos pa ako sa aking manuscript, tara order na tayo ng kape". At tinaas ni Renato ang kanyang kamay at tumawag ng waiter, at nagsalita si Baba "Ano ba ang pag-uusapan natin ngayon? Mas maganda na ngayon tayo mag-uasap dahil maiipit ako ngayong linggo sa mga assignment sa laboratory." Napatahimik si Renato, lumunok ng nabubuong laway sa kanyang lalamunan at "May gusto kasi ako..." Ng biglang dumating ang waiter nagtatanong kung anong gusto nila at umalis. Namuo na ang tapang sa dibdib ni Renato "Gusto ko sanang mangligaw. Di ko alam kung paano sasabihin to pero, pagkasama kita masaya ako at gusto pa kitang lalong makilala." Nanahimik silang dalawa sabay dating ng kanilang mga inorder mula sa waiter. Uminom ng kape si Renato at hinihintay ang saggot ni Baba sa pagitan ng paglagok niya ng ,alamig na kape. "Kailangan pa bang itanong yan? Pero di pwede, may iba na ko.Nakakatuwa ka naman nagpaalam ka pa pero di ako pwede. Kung yan lang pala sasabihin mo di na sana ako nagpunta." sagot ni Baba sa kanya na hindi man lang kumukurap at dahan dahang naubos na lamang ni Renato ang kanyang kape sa pag-amin sa sarili na wala talagang patutunguhan ang pagpunta niya dito. "Ganun ba? Hahaha, ganun lang talaga ako, makaluma, naisip ko kasing dahil mas matanda ka mas magugustuhan mong mag-paalam ako muna. Mali ako hahaha my bad." Bawi na lang ni Renato upang masalba kung ano mang natitirang hiya sa loob niya. Nagsimula ng pumatak ang ulan sa paligid nila. Tinaas niya ulit ang kanyang kamay at tinawag ang waiter, nag-iwan siya ng pera at nagtanong "May sasakyan ka bang dala ngayon?" Sumagot si Baba "Wala, bakit?" Huminga ng malalim si Renato at sinabi "Ito ang payong mukhang lalakas pa ang ulan mamaya. Ibalik mo na lang sa akin pag nagkita tayo ulit. Mahirap ng magkasakit lalo na kung may gagawin ka ngayong linggo." Tumayo na lamang si Renato habang inaabot ang kanyang payong na pula kay Baba, na nagugulumihanan na sa kung ano ang nangyayari, siya ay umalis. At katulad ng kanyang pag-alis, di niya na siguro makikita si Baba sa pag-alis niya sa Unibersidad ngayong Abril, kasabay ng libo-libong taong kasabay niyang aalis dala ang kani-kanilang mga pasanin, mga tagumpay, mga kasawian. At habang naglalakad sa ilog ng mga artipisyal na liwanag, tumingala siya at tumitig sa tanging perlas sa gitna ng kadiliman, at sumabay sa pag-ulan ng kalangitan.


No comments: